Sale!

Bayan-Bayanan: Antolohiya Ng Mga Katha Sa Lunan Ng Gunita – Trade Paperback – Trade Paperback Best Seller

Original price was: $9.49.Current price is: $4.75.

SKU: SK0030593-US20251222-173742 Category: Tag:

Description

Ang bayan ay tagpuan at tauhan sa loob at musa sa labas ng panitikang Filipino. Bayan ang sentro, tagaloob, modernong pagkatao, modernistang idea, at kagawian. Sa panitikan, ito’y isang partikular na lugar na kinalakihang ng tagapagsalaysay, o imahen ng isang mapagkandiling inang bayan o ang kilusang bayan na nagsusulong ng makatuwirang pagbabago. Mula sa ganitong mayaman na tradisyon masasabing humango sa iba’t ibang konsepto at kalakaran ng paghiraya ng/sa bayan ang mga manunulat sa antolohiyang ito. Gamit ang kapangyarihan ng gunita, nakalikha sila ng kani-kaniyang bayan sa iba’t ibang panahon, anyo, larawan at pag-iral.

Pero mapaglaro ang bayan-bayanan dahil may pagkukunwari sa pakiwari ng pagkaugat at pagkasanga na tila napilitan lang akuhin at pamahayan ang tinaguriang bayan-bayanan. Pinapahiwatig nito ang pabalat, ang pagiging artifisyal at marahil sapilitang pasisityo at paglulugar ng sarili at kapwa. Dahil nga gunita, maaari ring guni-guni ang itinatalagang bayan at bayan-bayanan at kung gayon, may kapangyarihang mag hayag mga kontraryo at subersibong pag-ako sa bayan, pag-ako ng bayansa sarolo, pagiging kolektibo at makabayan.

Narito ang mga kuwentistang Filipino na muling nagpapaalala sa atin na ang bayan natin ay isang mabisang musa at substansya na hindi nawawala sa ating gunita at kuwento. Dito nakalunan ang ating kolektibong alaala at sama-samang paglalakbay tungo sa isang bayan na muli’t muli mang sinakop, mas umiigting naman ang patuloy na pakikipagtunggali, at muli’t muling inilalayag para lumaya.

Data sheet

Article
100000176766
Author Name
Rolando B. Tolentino and Rommel B. Rodriguez
Publisher
Ust Publishing House
Origin
Local
Book Format
Trade Paperback
Weight
0.44kg
Length
22.86cm
Width
15.24cm
Height
1.7cm
Year Released
2022
ISBN/ISSN
9789715068888
Number of Pages
292
Translator
Filipino