Description
TAMING THE BRAT PRINCE by MiziAN19
Matapos ang mahabang panahon na pamamalagi sa ibang bansa ay umuwi si Samantha sa Pilipinas nang makuha ang inaasam na diploma. Tulad ng karaniwang balik-bayan ay namiss niya ang mamasyal sa sariling bansa. Napadpad siya sa isang Hacienda. Ang Hacienda Imperialeza. Doon ay nakita niya ang isang batis na may bonus pang naliligong lalaki sa gitna! Parang real life version of a Greek God! Pero sa takot na baka makita siya nito ay tumakbo siya palayo pero may taglay na kamalasan, nadapa pa siya.
Namalayan na lang niyang nasundan na pala siya nito. Kaagad niyang nakilala ito nang makaharap. Ito ang kababata niyang si Gian Lee Fortaleza! Pero sa kamalasan ay parang hindi siya nakilala nito at pinagbintangan pang trespassing at namboboso. Bilang ganti ay binitbit siya nito at inihagis sa batis. Napakabastos na lalaki! Nakakagigil! Prinsipe talaga ito ng pagkabratinelo kahit noong mga bata pa lang sila! Tuturuan niya ito ng leksyon! At ipaaalala niya rito ang mga pinagsamahan nila. Pero parang napakahirap gawin dahil mas matigas pa sa bato ang ulo nito.
“Bakit mo ko kinalimutan Gian Lee? Lahat ng mga pinagsamahan natin?” minsan ay naitanong niya sa binata. “Simply because they are not that important” Parang palasong itinarak sa puso niya ang isinagot nito. Is it time for her to give up or will she be able to gather all her courage
to tame the brat prince?
CARLO & SHIRLEY by MiziAN19
Iyong tipong ang mga tao sa paligid mo walang ginawa kundi makipag-couple goals sa mga jowa nila para ipakita ang may forever na sila tapos ikaw nananatiling nganga? Single Forever. “Maraming nanliligaw sa’yo pero bakit wala kang magustuhan? Matandang dalaga ka niyan,” pang-aasar ni Carlo kay Shirley kaya napairap siya sa kaibigan. “So kapag tumandang dalaga ako, nandiyan ka naman di ba? Walang iwanan?” “Of course. Kaya kapag naging old maid ka, you don’t have anything to worry about because I’m here to grow old with you. Walang iwanan,” sinserong sagot ni Carlo at yumakap pa sa kanya. Kinilabutan si Shirley. Kinilig. Aaminin niyang may lihim siyang pagtingin kay Carlo. “Wala talagang iwanan?” pangungulit niya sa binata. “Kulit mo. Syempre best friends tayo kaya wala talagang iwanan.” Aray naku! Na-friendzone pa siya. Paano nga ba mababago ang status mo kung sa isang bakla ka nafall?
Data sheet
- Article
- 100000169407
- Publisher
- Acts 29 Publishing
- Origin
- Mizian19
- Book Format
- Trade Paperback
- Weight
- 0.31kg
- Length
- 17.2cm
- Width
- 11.2cm
- Height
- 4.1cm




